Biyernes, Setyembre 2, 2011

KALSADA





Nakakatuwang pagmasdan ang mga musmos na ito, habang ineenjoy ang mga sandali ng kanilang, kabataaan. Nakakamiss rin ung mga ganitong eksena na madalang na lamang natin makita. Nakaka inggit nga tong mga batang to, wala pa sa isip nila ang masyadong kaseryosohan sa pamumuhay.Ako mismo nainggit sa ginagawa nang mga batang to!Ang saya saya habang ginagawang isang malaking playground ang kalsada.


Sa paglalakad namin sa kahabaan nang Cubao,aming namataan ang isang tumpok nang tao.Wari bang sila'y magkakapamilya na hindi malaman.Mukha silang masaya, pero sa totoo sa mata nila makikita ang tunay nilang dinaramdam. Ngunit bigla akong napaisip kung bakit sa kalsada sila kumakain ng kanilang pananghalian at hindi lang kalsada sa HIGHWAY 54 kaya yun! diba?! Nakakapagtaka lamang, na hanggang ngayon sa mga oras na to, na may mga tao paren pala na isinasapalaran ang kanilang buhay sa kalsada. Buhat nang magkamalay ako sa mundo, marami na sila rito, hanggang ngayon ba naman. Nakakalungkot isipin na ang kahabaan ng HIGHWAY 54 o EDSA ay may mga tao paren handang salubungin ang bus at usok na nilalabas ng mga to. Isa lang ang hiling ko, sana sa darating na panahon, wala nang katulad nila na gumagala at natutulog sa maduming kalsada.




 Sa bawat kalsada, hindi puro kaingayan ng mga kotse at kung ano-ano pa. Sa katunayan maraming mga bagay sa kalsada mo lang makikita.Gaya na lamang ni Kuya, yun sya na kung gumiling daig pa dancer. Pero wag ka traffic enforcer yan. Di ko alam trip nya eh. Hayaan na lang naten sya. Masaya siya eh. At mawawala ba naman ang mga tambay na gaya nila. Sila kaya ang kumukumpleto sa kalsada, kung wala sila di balanced diba? Parang ecosystem lang "give and take process" kung tawagin. Ang COOL diba?










Sa paglipas nang araw, kadiliman ang bumabalot sa buong lansangan at tanging mga street lights lang ang nagbibigay liwanag. Sa mga ganitong oras, ganitong mga eksena ang namamayani. May kumukumahog sa mg buses at terminal ng jeep at ang iba nama'y naghahabol upang kumita pa ng pera. Ganitong eksena ang matatanaw tuwing mamaalam na si haring araw.
Isang buong maghapon naman ang lumipas, di lang saken, maging sa kanila, at sa KALSDANG kanlungan nila.

1 komento: